Baliw nga yata si September para pumayag na mag-participate sa isang science experiment kung saan pag-aaralan ang development ng human skills ng isang robot. Ang kailangan niyang gawin ay regular na makipag-interact sa robot.
Ang robot ay si Russ, na ang personalidad at physical attributes ay naka-pattern sa lumikha rito—si Rusty, isang henyo at super hunk sana, pero kapos na kapos sa people skills. Hindi naman nahirapan si September sa pakikipagtsikahan sa robot, ang bilis nitong matuto. Kung hindi lang niya alam na robot si Russ, talagang iisipin niyang tao ito.
Pero ang mapalagay at unti-unting mahulog ang loob sa isang robot ay talagang kabaliwan na. O hindi rin. Dahil para kay September, sina Russ at Rusty ay parang iisa lang. At hindi talaga sa robot siya nahuhulog, kundi sa lumikha rito...