"Ang aklat na ito ay madamdamin at nakaka-enganyong basahin." - Dr. Ernest Francis G. Nora, MD
"Sa pamamagitan nito, nasilip natin ang mayamang pagkakaiba-iba ng ating pagkatao." - Professor Lesley Hitchens
"Inilalahad ng aklat na ito ang kuwento ng mga mamamayang Pilipino na nagsikap at lumago sa gitna ng matitinding pagsubok dala ng mga lockdown dahil sa Covid-19." - Assistant Professor Maria Adele Carrai
"Naramdaman ko rin na nais kong ibahagi ang aking mga naranasan." - Dr. Nilo Vincent Flor Cruz, MD
"Nagsisilbi rin itong isang salaysay para sa mga darating na henerasyon upang maunawaan nila kung ano ang mga nangyari sa panahon ng Covid-19." - Dr. Eva-Maria Nag
"Ang aklat na ito ay isang kahanga-hangang karagdagan sa lumalagong literatura ng mga karanasan sa Covid-19." - Dr. Amaka Vanni
"Dala ng aklat na ito ang isang mensahe: makakaligtas ang sangkatauhan sa pandemyang ito." - Marites Armero Valerio
Si Dr. Suresh Nanwani ay Professor in Practice sa Durham University, United Kingdom at Honorary Associate Professor sa Australian National University. Mayroon siyang mahigit pa sa 30 taong karanasan sa pagsasanay sa iba’t ibang organisasyon sa buong mundo, at 13 taong mayamang karanasan sa pagtuturo sa iba’t ibang unibersidad sa buong mundo. Isa siyang Accredited Mediator ng Center for Effective Dispute Resolution (CEDR), UK. Isa rin siyang eksperto sa kaalaman tungkol sa kapaligiran at pang-internasyonal na batas sa Green Climate Fund Independent Redress Mechanism.
Siya ay isang awtor, manunulat, at editor. Marami na siyang nailathala tungkol sa international development, governance, accountability, organization development, appreciative living, at positivism. Nakapagbuo siya ng integratibong pagtuklas sa sarili sa kanyang aklat na Organization and Education Development: Reflecting and Transforming in a Self-Discovery Journey (Routledge, UK). Nais niya na mapaunlad nating lahat ang ating mga sarili sa pamamagitan ng pamumuhay na may layunin at positibo.
https://www.linkedin.com/in/
Pagbabahagi mula kay Dr. William A. Loxley
Si Dr. William A. Loxley ay isang taga-analisa ng mga impormasyon at espesyalista sa sosyedad na pagpapaunlad at naninirahan sa Pilipinas sa loob ng 30 taon. Siya ay isang ekonomistang pang-edukasyon at nagtatrabaho sa siyensyang pangkomunidad, lalo na sa sistemang pang-edukasyon ng mundo sa loob ng 40 taon. Bilang isang dating guro, propesor, taga-tuklas at gumagawa ng mga polisiya, siya ay naglingkod sa mga bangkong internasyonal, dating Punong Ehekutibo ng IEA sa bansang Netherlands, espesyalista sa Ford Foundation sa Indonesia, iskolar ng Fullbright sa Vietnam, at bilang boluntaryo sa Hukbong Tagapamayapa dito sa Pilipinas.
Marami siyang naisulat na aklat tungkol sa edukasyon at pag-unlad, nagdaos ng mga survey at mga pag-aaral sa iba’t ibang bansa sa Asia, Africa at Latin America. Gusto niya na ang lahat ng mga kabataan sa mundo ay magkaroon ng pagkakataong mapaunlad ang talento dahil iyon ang makapagpapasagana sa ating lipunan.
https://www.linkedin.com/in/